Monday, July 7, 2008

overdosed

Kakasimula pa lang ng week... Grabe, parang 10 araw na sunod sunod na kong nagtratrabaho with 4 hours OT. Ala naman akong magawa dahil kailangan. Kaya kahit halos mamaga na yung finger tips ko sa kakatype sa keyboard kaya kinakaya pa rin kasi "I love my job kasi I need my job." Naiisip ko minsan kung hindi pa natatakot sakin yung mga tao sa labas, tuwing dadaan ako papasok sa building at makakakita sila ng zombie sa umaga. Minsan sa sobrang inis mo pa eh, gusto mo nalang ihgis yung mouse ng computer at hugutin ang monitor sa itapon sa bintana. Buti nalang may yosi na pwede hithitin para ibuga lahat ng sama ng loob at stress sa katawan pero kulang pa din eh. Yung maata ko na kulang nalang eh lumuwa kakatingin sa mga files na nakaopen sa computer.

HAAYYYY!!!! Sana pwedeng sumigaw sa opisina at sabihing "pagod na pagod na ko!" Grabe na ang pressure nyo! Kung maglalagay ka siguro ng karne ng baka sa upuan ko, 10 minutes palang malambot na sa sobrang pressure. Oo nga pala, OT lover na din ako nga yun, TY nalang ang kapalit!

I'm work OVERDOSED...

-evah

Tuesday, July 1, 2008

Ang katotohanan

Alang mangyayari kung puro nalang silay sa crush at mangalap ng impormasyon ang gagawin ko. Naisip ko na dapat gumawa din ng paraan para mapansin nya. Hindi naman siguro ako dapat mag otso otso sa harap nya kapag daraan sya. Isang simpleng "hi" lang ok na. Di ko nga lang alam kung paano ko sasabihin dahil tiyak kong magugulat sya kapag sinabi ko yun at di nya ko kakilala. Kamusta naman ang mukha kong namumula at ang ngiting abot batok na may kasabay na pangingisay nung pinaabot ko sa kakilala nya ang aking mensahe, tinanung nya tuloy kung sino nagpasabi. Nabanggit nyang taken na sya at kasal, syempre hindi na nabanggit kung sinu yung nagpasabi at nanatili nalang akong the who. Well... Ang labi ko na umabot hanggang batok ay kala mo gomang bumalik sa dating ayos sabay buntong hininga ng malalim.

Ganun talaga ang buhay, minsan yung gusto mo hindi pwedeng maging sa'yo. Kahit siguro maglupasay ka sa EDSA sasagasaan ka lang ng pison pero di mo makukuha yun. Sabi ko nalang, ok lang yun, kahit na medyo nalungkot ako, which is totoo naman dahil sobra akong humanga sa kanya pero di naman sobrang hurt dahil wala naman dapat ikaw hurt. Medyo defensive lang ang dating pero hindi (lol). It's a good thing narin at nalaman ko ng maaga para alam ko din kung anu ang dapat gawin. Lumapit ako sa kakilala ko na kilala din nya para sa isang sulyap. Konting kwentuhan pero ang goal ay para mapansin. Nakita ko sya napatingin sakin, nung nagbend ng likod sabay tingin sa kaliwa. Di lang minsan pero tatlong beses, syempre sa pangatlong beses tinignan ko din sya. Kung ayaw mo makuha sa hi, makuha kaya kita sa tingin? (lol) Joke lang yun, wag na bigyan ng kahulugan. Pero malay natin... Abangan.... (hahaha)


-evah