Ngunit, naitatanong ko rin sa aking sarili, ito ba'y pag-ibig o sadyang paghanga lamang? Mahirap isipin, at sadyang napakaskit malaman ang katotohonan. Ang katotohonang bumabalot sa aking pagkatao, na ako'y mayroon nang iba, subalit ako'y sadyang naakit pa rin sa'yo.
Tama ba ang nararamdaman kong ito? Dapat na ba akong gumawa ng isang bagay upang iyong malaman ang aking nararamdaman? O dapat ako'y maghintay at hayaan na lamang na ito'y lumipas?
Sana, ako'y maliwanagan sa tamang kasagutan. Ngunit, sa ngayon, hahayaan ko muna ang aking bruskong damdamin na nanamnamin ang masayang pakiramdam sa aking nadarama sa kasalukuyan...
Friday, June 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment