Friday, June 27, 2008

Torpe

Iba talaga ang feeling kapag nakikita mo yung crush mo. Andyan yung halos mangisay ka na sa sobrang kilig at para kang kiti-kiti sa upuan mo. Pinagmamasdan mo sya sa malayo at mistulang giraffe at halos mabali leeg mo masilayan lang sya. Yung mga matang mong parang surveillance camera na nakafocus lang sa kanya habang pinagmamasdan mo ang bawat kilos nya at para mo na siyang hinaharass sa sobrang titig mo. Andyan yung mapapakanta ka nalang bigla ng love song at minsan na e-LSS ka pa sa huling kantang maririnig mo sa labas. Higit sa lahat, kahit sobrang pangit na ng araw mo, lulutang ka sa tuwa kapag nakita mo na sya. At standing ovation ang next move mo kapag hindi mo na makita ang hibla ng buhok nya sa malayo sabay mapapabuntong hininga ka at sa isip isip mo sana magkalapit lang kayo ng upuan para d na mahirapan ang nangangalay at naghahaba mong leeg kakasilip.

Aaminin ko na at hindi ko naman ipagkakaila. Gusto kita pero hindi ko alam kung pano ako lalapit sa'yo. Siguro kung mababasa mo 'to mas madali na para sa'kin para malaman mo na "gusto kita" or mas maganda siguro kung sabihin kong "I'm into you." Pasesnya na, kulang pa ko sa lakas ng loob para sabihin sa'yo ng harapan, kaya isusulat ko muna kung anu nararamdaman ko. Kung alam mo lang kung ga'no ko kagustong makilala ka ng lubusan. Di ko masabi kung simpleng crush lang ba ito o mas malalim pa. Kung lagi kang nasa isip ko at mapapangiti na lamang tuwing maaalala ko ang maamo mong mukha, anu nga kaya itong nararamdaman ko? Ang corny noh? Nabihag mo nga yata ako....


-evah

1 comment:

ticklemeice said...

Sana'y matulungan kita sa iyong nararamdaman kahit sa maliit na paraan. Marahil, kelangan nating ipromote ang site na ito upang kanyang mabasa. Magsend kaya ako nga anonymous email sa kanya bilang imbitasyon na basahin ang blog na ito?